top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Naningil ng pautang, sinaksak

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 12, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | November 12, 2021


CAMARINES SUR—Isang lalaking naningil ng utang ang sugatan nang saksakin ng kanyang kaibigan kamakalawa sa Bgy. Penafracia, Naga City.


Kinilala ng pulisya ang biktima na si Jan Cuano, samantalang ang suspek ay si Ricky Espina, kapwa nasa hustong gulang at parehong residente sa nasabng barangay.


Ayon sa ulat, may utang na pera si Espina kay Cuano at nang singilin ito ng biktima ay nagalit ang suspek.


Dahil dito, nagkaroon ng pagtatalo ang magkaibigan hanggang sa saksakin ng suspek ang biktima na tinamaan sa katawan.


Ginagamot na sa ospital ang biktima, samantalang pinaghahanap na ng pulisya ang suspek.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page