Nangyari na raw sa kanya noon…
- BULGAR

- Jul 14, 2020
- 2 min read
CONGW. VILMA, IPINAGSIGAWANG 'DI TAKOT MAWALAN NG POSISYON DAHIL SA PAGSUPORTA SA ABS-CBN
ni Julie Bonifacio - @Winner | July 14, 2020

Ipinakitang muli ni Lipa City Congresswoman Vilma Santos-Recto ang kanyang tapang at pagiging independent-minded lawmaker sa mga pahayag na binitiwan niya kay Karen Davila sa programa nitong Headstart sa ANC (ABS-CBN News Channel).
Tinanong kasi ni Karen si Congw. Vilma kung hindi ba siya natatakot na mawalan ng chairmanship sa mga committee sa Kongreso dahil sa pagpabor niya na mabigyan ng prangkisa ang ABS-CBN.
"It happened to me already," sagot ni Congw. Vilma. "Ako naman ay independent thinker, in the first place, kahit na I'm part of the super majority."
Nangyari na raw dati na tinanggalan siya ng chairmanship after she voted NO para sa ipinu-push na death penalty bill sa Kongreso.
"I stood my ground and I voted NO. So, I lost my chairmanship. Pero kung anuman ang naging desisyon ko sa renewal ng franchise ng ABS-CBN at nagkaroon ulit ng ganoong consequence, I think I'm prepared for that," matapang na sabi ni Congw. Vilma.
Kabilang si Congw. Vilma sa tinawag na BRAVE 11 na mga mambabatas na bumoto para sa pagbibigay ng prangkisa sa ABS-CBN. May mga nagsa-suggest na dapat ay bigyan ng parangal si Congw. Vi at ang sampung kongresista na kasama niyang bumoto ng NO para sa denial of franchise ng Kapamilya Network.
"In the first place, para ma-consider ka na Brave 11, para namang... sobra na. Masarap pakinggan and I'm very thankful, but I just did what I sincerely believe was the right thing to do. Ginawa ko lang 'yung nararapat na sa loob ko, na dapat kong panindigan at pinaniniwalaan ko," pahayag niya.
Tinuligsa naman ng ibang netizens ang pagboto ng YES ng mga mambabatas na artista. Pati na ang nag-abstain na sina Cong. Alfred Vargas at dating senador na si Congw. Loren Legarda. Katwiran nina Cong. Vargas at Congw. Legarda, 'conflict of interest' 'pag sila ay bumoto.
"To be honest, I cannot answer for them. Kasi, meron naman silang mga personal na rason siguro, and I respect their views.
"Pero kung si Congw. Sol Aragones, bumoto siya in favor of the franchise renewal, on my part naman, wala akong existing na kontrata sa ABS-CBN. I'm not part of the management or in the operations of the company. And same thing with my son, Luis (Manzano) naman is an adult now. Meron na siyang desisyon para sa sarili niya. And at the same time, he's just a talent.
"Uh, kaming dalawa ng anak ko, hindi naman kami stockholders ng kumpanya. So, wala akong nakikita na conflict of interest doon kaya ako bumoto. And as an ex officio, karapatan ko na bumoto," paliwanag pa ni Congw. Vilma.
Pangako naman ni Congw. Vilma, susuportahan niya anumang panukalang batas na ipa-file sa Kongreso para sa franchise application ng ABS-CBN. Suportado rin niya ang suhestiyon ng lider ng iba't ibang organisadong non-government groups na nagsasagawa ng tinatawag na 'People's Initiative.'





Comments