top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Nangahasa sa batang babae, tiklo

BULGAR
May 16, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | May 16 2021



CAPIZ—Isang lalaki na nanggahasa sa isang batang babae ang naaresto ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Bago Chiquito, Panay.


Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Joel Lopez, 31-anyos at pansamantalang nakatira sa naturang barangay.


Nabatid na inaresto ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong rape at child abuse sa nabanggit na lalawigan.


Ayon sa ulat, may tinanggap na impormasyon ang pulisya tungkol sa pinagtataguan ni Lopez kaya agad rumesponde ang mga operatiba at dinakip ang suspek.


Hindi naman nanlaban ang suspek nang dakpin siya ng pulisya sa nasabing barangay.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page