Nang-rape sa Zambales, huli sa Negros Occidental
- BULGAR

- Feb 23, 2021
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | February 23, 2021
NEGROS OCCIDENTAL—Isang wanted na rapist sa Zambales ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bliss St., La Carlota City.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Angel Obispo, pansamantalang nakatira sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong rape sa San Narciso, Zambales.
Napag-alamang may nag-tip sa pinagtataguan ni Obispo kaya agad rumesponde ang mga operatiba at dinakip ang suspek.
Nakapiit na ang suspek sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments