top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Nang-rape sa Pasay City, tiklo sa Bulacan

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 24, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | April 24, 2023


BULACAN—Isang most wanted na rapist sa Pasay City ang naaresto mga tauhan ng pulisya, kamakalawa sa kanyang hideout sa San Jose del Monte City, sa lalawigang ito.


Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Joseph Alba, 20, at pansamantalang nakatira sa nabanggit na barangay.


Napag-alaman na dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong rape sa Pasay City.


Nabatid na may nagbigay impormasyon sa pinagtataguan ng rapist kaya agad rumesponde ang pulisya at dinakip ang suspek sa nasabing lugar.


Kusang sumama sa mga awtoridad ang suspek at ngayon ay nakapiit na siya sa detention cell ng himpilan ng pulisya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page