Nang-rape sa hipag, arestado
@Balitang Probinsiya | August 3, 2023
ILOILO -- Isang lalaki na gumahasa sa kanyang hipag ang inaresto ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Magdungao, Passi City sa lalawigang ito.
Hindi na muna pinangalanan ang suspek habang iniimbestigahan ito ng mga awtoridad.
Nabatid na dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa panggagahasa nito sa kanyang hipag.
Hindi naman nanlaban ang suspek nang arestuhin ng mga operatiba sa loob ng kanyang bahay.
Nakapiit na ang suspek sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments