top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Nang-abuso sa bata, arestado

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 10, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | November 10, 2021


ALBAY—Dinakip ng pulisya ang isang lalaki na nang-abuso sa batang babae kamakalawa sa Bgy. Tagas, Daraga.


Hindi muna pinangalanan ang suspek habang iniimbestigahan pa ito ng mga awtoridad.


Ayon sa ulat, dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong child abuse sa nasabing lalawigan.


Nabatid na may nagbigay-impormasyon sa pulisya sa pinagtataguan ng suspek kaya agad rumesponde ang mga awtoridad at inaresto ang supek.


Hindi naman nanlaban ang suspek sa mga awtoridad at sa ngayon ay nakapiit na siya sa detention cell ng himpilan ng pulisya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page