top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Nambastos sa dalagita, sumuko

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 28, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | November 28, 2023

AKLAN -- Isang tricycle driver na nambastos sa isang dalagitang pasahero nito ang sumuko sa himpilan ng pulisya kamakalawa sa bayan ng Kalibo sa lalawigang ito.


Hindi na pinangalanan ang suspek, maging ang dalagitang pasahero nito ay hindi na rin pinangalanan ng mga otoridad.


Ayon sa ulat, sumakay ang dalagita sa pinapasadang tricycle ng suspek pauwi sa bahay ng biktima at habang bumibiyahe ay nagkuwento umano ang driver ng mga kabastusan tungkol sa sex.


Nang makauwi sa kanilang bahay ay nagsumbong ang dalagita sa kanyang ama, at dahil dito ay pinost ng ama sa social media ang pambabastos ng suspek sa kanyang anak.


Nabatid na nabasa ng suspek ang post ng ama ng dalagita kaya nagpasya itong sumuko at sa ngayon ay nahaharap ang tricycle driver sa kasong child abuse.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page