Namaril ng bus nasakote
@Balitang Probinsiya | Pebrero 21, 2023
AKLAN—Isang lalaki na bumaril sa isang pampasaherong bus ang naaresto kamakalawa ng mga tauhan ng pulisya sa Bgy. Libertad, Nabas sa lalawigang ito.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Cristobal Obrique, nasa hustong gulang at residente ng nasabing bayan.
Nauna rito, dala ng labis na kalasingan ay binaril ni Obrique ang isang bus na dumaan sa kanyang harapan noong Pebrero 14, 2022, at pagkaraan ay mabilis na tumakas.
Nabatid na wala namang nadisgrasya sa ginawang pamamaril ni Obrique, maliban sa nagkabutas ang pampasaherong bus.
Sa follow-up operation ng pulisya ay nadakip ang suspek at sa ngayon ay nakapiit na siya sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments