top of page
Search
  • BULGAR

Nalunod sa Rizal, natagpuan sa Quezon

@Balitang Probinsiya | September 20, 2023


QUEZON -- Isang 53-anyos na lalaking nalunod sa Rizal province ang natagpuang patay na sa ilog na sakop ng Bgy. Pagsangahan, San Francisco sa lalawigang ito.


Ang biktima ay nakilalang si Fernando Caneda, residente ng Bgy. Laiban, Tanay, Rizal.


Ayon sa ulat, kalakasan ng ulan noong Setyembre 4, 2023 nang maiulat na nalunod at tinangay ng malakas na agos ng ilog si Caneda sa Bgy. Laiban at mula nuon ay hindi na nakita ang biktima.


Nabatid na kamakalawa ay ilang residente ang nakakita sa nakalutang na bangkay ng biktima sa ilog na sakop ng Quezon province.


Sa ngayon, patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa naturang insidente.


0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page