Naligo sa dagat, nalunod
@Balitang Probinsiya | December 02, 2021
LA UNION—Patay ang isang lalaki nang malunod habang naliligo sa dagat na sakop ng Bgy. IIi Sur, San Juan.
Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Mark Valdez, nasa hustong gulang at residente ng nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, habang naliligo si Valdez sa dagat kasama ang kanyang mga kamag-anak at kaibigan ay bigla itong napagawi sa malalim na bahagi ng dagat kaya nalunod ang biktima.
Tinangka ng kanyang kamag-anak at kaibigan na saklolohan si Valdez, pero hindi agad nakita ang biktima.
Nabatid na makalipas ang ilang oras ay natagpuan ang bangkay ng biktima na nakalutang sa dagat.



Comments