top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Nakipaglamay sa patay, tepok sa saksak

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 26, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | November 26, 2021


PANGASINAN—Isang 53-anyos na lalaki na nakipaglamay sa burol ng patay ang napatay nang saksakin ng kanyang kaalitan kamakalawa sa Lucao, Dagupan City.


Nakilala ang biktimang nagtamo ng saksak sa katawan na si Armando Siapno, samantalang ang suspek ay si Jay-ar Dizon, kapwa nakatira sa nabanggit na barangay.


Ayon sa ulat, habang nakikipaglamay sa burol ay biglang nilapitan at sinaksak ng suspek ang biktima.


Matapos ang pananaksak ay mabilis na tumakas ang suspek, pero agad din siyang nadakip ng mga nagrespondeng tauhan ng pulisya.


Dinala pa ng mga saksi si Siapno sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page