Nakilala raw sa Switzerland… BELA, INILANTAD NA SA IG ANG FOREIGNER BF
- BULGAR

- Oct 7, 2020
- 1 min read
ni Nitz Miralles - @Bida | October 7, 2020

Inilantad na kahapon ni Bela Padilla ang foreigner boyfriend niya sa kanyang Instagram account.
Sa ipinost niyang picture nila na magkaharap at may hawak na kopita, nilagyan niya ito ng caption na: "The one I met in St. Gallen @orciborci"
Kasama ni Bela sa bakasyon niya sa Turkey ang guy na may hawig kay Harry Styles ng One Direction na favorite ni Bela.
Upon checking, nalaman naming Norman Ben Bay ang name nito na ayon nga kay Bela, na-meet niya sa St. Gallen sa Switzerland nu'ng nagsu-shooting siguro sila ng movie ni Carlo Aquino.
Batay sa post ni Bela, two weeks sila sa Turkey at sa mga places sa nasabing bansa na kanilang pinuntahan. Dual citizen si Bela, kaya walang problema na nakalabas siya ng bansa.
Nakabalik na si Bela at nakapagbakasyon na nga sa Subic kasama sina Kim at Angelica Panganiban para i-celebrate ang three years nilang friendship.





Comments