Nakaraan daw nila, kaya ibinulgar kahit masira ang aktor… BB, GINAMIT LANG SI PIOLO PARA MAGKADATUNG
- BULGAR

- Sep 9, 2020
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | September 9, 2020

Tama lang ang ginagawang pananahimik ni Piolo Pascual sa panlalaglag sa kanya ni BB Gandanghari. Huwag na niyang patulan si BB na obvious namang KSP at bitter sa buhay. Gusto lang ni BB na makakuha ng pansin para pag-usapan at maraming manood sa kanyang vlog sa YouTube para kumita siya.
Gusto niyang magpabida at maging kontrobersiyal ang kanyang mga pasabog.
Well, lalo lang pinaliliit ni BB Gandanghari ang kanyang mundo. Galit na galit sa kanya ang mga diehard fans and supporters ni Piolo Pascual. Handa nilang ipagtanggol ang kanilang idolo. Hindi nila uurungan si BB Gandanghari.
So, pagkatapos ng ginawang paninira ni BB kay Piolo, ano pa ang susunod niyang gimmick? Sino ang susunod niyang sisiraan at idadamay sa kanyang mga throwback escapades?
Masaya ba naman si BB sa kanyang ginagawang panggugulo sa mga taong nananahimik na? Dapat na mag-ingat-ingat na si BB sa kanyang mga pasabog dahil maraming fans ang hindi na palalagpasin ang kanyang mga pinaggagagawa. Kung narito lang si BB sa 'Pinas, tiyak na hahantingin siya ng mga tagapagtanggol ni Piolo Pascual!





Comments