Nakaparadang tricycle, sinunog
@Balitang Probinsiya | October 25, 2023
AKLAN -- Isang nakaparadang tricycle ang sinunog kamakalawa sa gilid ng kalsada sa Bgy. Tagas, Tangalan sa lalawigang ito.
Ang may-ari ng natupok na tricycle ay si Ernesto Tibon, Jr., nasa hustong gulang at nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon kay Tibon, ipinarada lang niya sa gilid ng kalsada ang kanyang tricycle at naglakad papasok sa iskinita patungo sa kanilang bahay, pero pagbalik niya ay nasusunog na ang kanyang sasakyan.
Sinabi ni Tibon na walang sira ang kanyang tricycle kaya’t ang hinala niya ay may sumunog sa dito.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad para makilala at madakip ang sumunog sa tricycle ng biktima.



Comments