top of page

Nakabuntis ng pinsan, takot mabuking ng pamilya

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 31, 2022
  • 2 min read

ni Sister Isabel del Mundo - @MgaKuwentongBuhayatPag-ibig | January 31, 2022



Dear Sister Isabel,


Hindi ko na alam kung paano sosolusyunan ang problema ko kaya sumangguni ako sa iyo.


Nagsimula ito nang dalawin ko ang pinsang buo ko sa boarding house niya at nagkataong mag-isa siya ru’n. Panatag ang loob niya nang dumating ako at tiwala naman siya sa akin dahil magpinsan kami at natuwa pa siya nang dumating ako.


Nasa banyo siya para maligo at sinabing sa labas na lang kami mananghalian dahil hindi raw siya nagluluto. Matagal na siyang nasa banyo kaya lumapit ako sa pinto ng CR para pakiramdaman kung tapos na siya, ngunit natabig ko ang pinto na hindi niya ni-lock kaya nabuksan ito at kitang-kita ko siya na nakahubad. Naakit ako at hindi nakapagpigil, pero hindi siya sumigaw o pumalag, bagkus, hinayaan niya na akong gawin ang gusto kong gawin.


Batid naming mag-pinsan kami, pero hindi namin naiwasang matukso sa isa’t isa.


Ang problema ko ay buntis siya ngayon, ano ang gagawin ko? Tiyak na magagalit ang mga magulang at kamag-anak namin kapag nalaman ang nangyari sa amin. Sana ay matulungan n’yo ako.


Nagpapasalamat,

Vicente ng Batangas


Sa iyo, Vicente,


Sadyang mabigat at masakit sa ulo ang problemang kinakaharap mo ngayon.


Makabubuting huwag n’yo na lang sabihin sa mga magulang n’yo ang nangyari dahil baka sa tindi ng galit, mapatay o bugbugin ka ng mga magulang mo. Kausapin mo ang iyong pinsan na ililihim n’yo muna ang inyong kalagayan.


Lumayo muna kayo sa lugar na kinaroroonan n’yo para walang sinumang magsumbong sa parents n’yo. Humingi ka ng tawad sa Diyos sa napakalaking kasalanang nagawa n’yo ng pinsan mo. Kung maaari, ikumpisal mo sa pari at hingan mo na rin siya ng payo.


Makatutulong siya para gumaan-gaan ang problema mo.


Gayunman, huwag na huwag n’yong ipapalaglag ang bata dahil lalo lamang madaragdagan ang kasalanan mo. Ang sanggol na ‘yan ay nabuo dahil may dahilan ang Diyos. ‘Ika nga, everything here on earth has a purpose. Malay mo, ang sanggol ‘yan ay magiging religious leader na magpapabago sa mga masasama para magpakabuti o kaya naman ay magiging presidente pala siya ng bansa. Sa halip, harapin n’yo nang buong tatag ang nangyari. Mamuhay kayo nang payapa ng pinsan mo sa isang lugar na hindi kayo malalagay sa eskandalo. Hilingin mo sa Diyos na sana ay normal ang bata at matulad sa ibang mag-pinsan na nagkatuluyan na may ibang kondisyon ang sanggol dahil magpinsang buo kayo.


Nand’yan na ‘yan, harapin n’yo nang buong tatag ang mga pangyayari. Mamuhay kayo nang payapa at manalig sa Diyos na Siya na ang bahala sa lugar na pupuntahan n’yo ng pinsan mo, malayo sa eskandalo at panghuhusga ng kapwa.


Sa tamang panahon, kung sakaling malaman ng parents n’yo ang nangyari, natitiyak ko na mapapatawad din nila kayo kung makikita nilang maayos ang buhay n’yo at normal ang bata.


Hanggang dito na lang, nawa’y gumaan kahit papaano ang iyong kalooban sa naging payo ko sa iyo.



Sumasaiyo,

Sister Isabel del Mundo


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page