Naka-bike, dedo sa trak
@Balitang Probinsiya | April 22, 2023
CAMARINES SUR—Isang 52-anyos na lalaki ang namatay nang mabangga ng trak ang sinasakyan nitong bisikleta, kamakalawa sa Bgy. San Isidro, Lagonoy sa lalawigang ito.
Ang biktima ay nakilalang si Medel Rivero, nakatira sa naturang bayan.
Ayon sa ulat, mabilis umano ang takbo ng trak na minamaneho ni Romeo Rontas, kaya nabangga ang biktima.
Nabatid na nabagok si Rivero sa sementadong kalsada na naging dahilan, kaya namatay ang biktima.
Nakapiit na si Rontas na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide and damage to property.



Comments