Nahulog sa poste, lineman tepok
@Balitang Probinsiya | October 25, 2020
Isabela—Patay ang isang internet lineman nang aksidenteng mahulog sa poste kamakalawa sa Bgy. Tuguegarao, Echague.
Nakilala ang biktima na si Manuel Espiritu, nakatira sa Bgy. Malitao sa nasabing bayan.
Ayon sa ulat, habang nasa itaas ng poste si Espiritu para magkabit ng linya ng internet ay naputol ang tubong hinahawak nito kaya nahulog ang biktima.
Nabatid na nagkaroon ito ng malaking pinsala sa ulo ang biktima.
Kaagad dinala ng mga saksi si Espiritu sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.



Comments