Nagwalang bebot, ipinahuli ng nobyo
@Balitang Probinsiya | Oct 27, 2021
CAPIZ--Isang lasing na babae ang ipinahuli ng nobyo sa pulisya dahil sa pagwawala kamakalawa sa Roxas City.
Hindi na pinangalanan ng pulisya ang babaeng nagwala na nasa hustong gulang at residente sa nasabing lungsod.
Ayon sa ulat, pinuntahan ng babae ang nobyo nitong sapatero na puwesto nito at habang nag-uusap ay biglang nagwala at sinira ang mga gamit ng kanyang kasintahan,
Dahil hindi mapigil sa kanyang pagwawala ay humingi na ng tulong sa pulisya ang nobyo at ipinahuli ang nobya.
Nahaharap ang babae sa kasong alarm and public scandal.



Comments