Nagwala sa dance party, natagpuang patay
@Balitang Probinsiya | May 21, 2023
QUEZON—Isang lalaki na nagwala sa dance party ang natagpuang patay, kamakalawa sa Bgy. Catalina, Atimonan sa lalawigang ito.
Ang biktima ay kinilala na si Ariel Taratara, nasa hustong gulang, at residente sa nasabing lalawigan.
Nabatid na ilang residente ang nakatagpo sa bangkay ng biktima sa naturang barangay.
Huli umanong nakitang buhay ang biktima habang nagwawala sa dance party at matapos ang pagwawala ay umalis din ito.
Sa imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman na pinatay si Taratara dahil may malaki itong sugat na palatandaang may tumaga sa biktima.



Comments