Nagutom sa bundok, 3 NPA sumuko
@Balitang Probinsiya | May 28, 2023
AGUSAN DEL NORTE—Dahil sa nararanasang gutom sa bundok, nagpasya ang tatlong miyembro ng New People's Army (NPA) na sumuko sa pamahalaan kamakalawa sa bayan ng Buenavista sa lalawigang ito.
Ang mga sumukong NPA ay kinilala lang ng mga awtoridad sa mga alyas na "Ka Nelson," "Ka Ruel" at "Ka Lea," pawang kasapi ng NPA na nag-o-operate sa lalawigan.
Napag-alaman na isinuko rin ng mga NPA ang mga dala nilang armas,bala sa subersibong dokumento sa mga awtoridad.
Ayon sa mga sumukong NPA, nakakaranas na umano sila ng gutom sa bundok at nais na rin nilang magbagong-buhay kaya sumuko sila sa pamahalaan.
Isinasailalim na ngayon sa taktikal na interogasyon ang tatlong sumukong komunista.



Comments