top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Nagtitinda ng barbecue nilikida

BULGAR
Nov 26, 2022
1 min read

Updated: Nov 27, 2022

@Balitang Probinsiya | November 26, 2022


AKLAN—Patay ang nagtitinda ng barbecue nang barilin ng riding-in-tandem kamakalawa sa Bgy. Lapnag, Banga.


Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay nakilalang si Ace Gumban, 37-anyos at nakatira sa nabanggit na barangay.


Ayon sa ulat, habang nagtitinda ng barbecue si Gumban ay biglang sumulpot ang dalawang hindi kilalang suspek na nakasakay sa motorsiklo at agad pinagbabaril ang biktima.


Mabilis na tumakas ang mga suspek nang matiyak na patay na ang biktima.


Iniimbestigahan pa ng pulisya ang motibo ng mga suspek sa pamamaslang kay Gumban.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page