Nagtanim ng marijuana, arestado
@Balitang Probinsiya | April 17, 2023
CAMARINES SUR—Isang laborer na nagtanim ng marijuana ang inaresto ng mga tauhan ng pulisya, kamakalawa sa Bgy. Balatas, Naga City sa lalawigang ito.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Angelito San Juan, 33, residente ng naturang barangay.
Ayon sa ulat, may tinanggap na impormasyon ang mga awtoridad na may tanim na marijuana sa likod ng kanilang bahay ang suspek kaya agad itong sinalakay ng mga operatiba at dito natagpuan ang mga pananim na illegal drugs.
Nabatid na bukod sa pananim na marijuana, ay nakumpiskahan din ng pulisya si San Juan ng anim na sachets ng shabu.
Hindi naman nanlaban ang suspek nang dakpin siya ng mga awtoridad sa naturang barangay.



Comments