top of page
Gary V. - IG.jpg

Nagsusugal, ginilitan ng senglot

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 10, 2024
1 min read

@Balitang Probinsiya | Pebrero 10, 2024

AKLAN -- Isang lalaking nagsusugal ang sugatan nang gilitan sa leeg ng isang lasing kamakalawa sa Brgy. Tambak, New Washington sa lalawigang ito.


Kinilala ng pulisya ang biktimang nagtamo ng sugat sa leeg na si Rolando Talabucon, 37, samantalang ang suspek ay si Alfred Rasgo, 40, kapwa nakatira sa nabanggit na barangay.


Ayon sa ulat, habang nagsusugal ng pusoy si Talabucon sa burol ng isa nilang yumaong ka-barangay ay dumating ang suspek at sa hindi malamang dahilan ay ginilitan nito ng dala niyang patalim sa leeg ang biktima.


Agad dinala ng mga saksi ang biktima sa ospital at kasalukuyang inoobserbahan ito.


Mabilis namang nadakip ng mga otoridad ang suspek na nahaharap sa kasong frustrated murder at illegal possession of deadly weapon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page