Nagpaputok ng baril, timbog
- BULGAR
- Dec 18, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | December 18, 2023
BATANGAS -- Isang lalaki na nagpaputok ng baril ang inaresto ng pulisya kamakalawa sa Brgy. San Isidro, Taysan sa lalawigang ito.
Ang suspek ay itinago muna sa alyas na “Resty”, nasa hustong gulang at nakatira sa nasabing lugar habang iniimbestigahan siya ng mga otoridad.
Ayon sa ulat, may nag-report sa pulisya na nagpapaputok umano ng kanyang baril si “Resty” kaya agad rumesponde ang mga otoridad at dinakip ang suspek.
Nang kapkapan ay nakumpiskahan ang suspek ng isang kalibre .45 pistola at mga bala.
Sinampahan na ng pulisya ang suspek ng kasong alarm and scandal at illegal possession of firearms and ammunitions.



Comments