Nagpaputok ng baril, iniimbestigahan sa pagkasawi ng bata

@Balitang Probinsiya | January 8, 2021
LANAO DEL NORTE—Isang suspek sa pagpapaputok ng baril na ikinasawi ng 12-anyos na batang babae noong New Year ang iniimbestigahan ngayon ng pulisya sa bayan ng Sapad.
Hindi muna pinangalanan ng pulisya ang suspek.
Nabatid na inimbitahan ng pulisya ang suspek dahil sa impormasyong nagpaputok ito ng baril noong bago pumasok ang 2021.
Sa isinagawang paraffin test, napag-alamang nagpositibo sa pulbura ng bala ang kamay ng suspek.
Inaalam na ng mga awtoridad kung ang ligaw bala na tumama sa biktimang si Susette Manamparan na ikinamatay nito ay kung tutugma sa baril na nakumpiska sa suspek.



Comments