top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Nagpapahingang foreman, nilikida

BULGAR
Dec 4, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | December 4, 2022


QUEZON—Isang nagpapahinga na foreman ang namatay nang barilin ng hindi kilalang armadong lalaki kamakalawa sa Bgy. Cabay, Tiaong.


Ang biktima na nagtamo ng tig-isang tama ng bala sa ulo at braso ay nakilalang si Reynane Aquino, 45-anyos at nakatira sa nabanggit na barangay.


Ayon sa ulat, habang nakaupo at nagpapahinga si Aquino ay biglang sumulpot ang suspek at agad pinagbabaril ang biktima.


Mabilis na tumakas ang mga suspek nang matiyak na patay na ang biktima.


Iniimbestigahan pa ng pulisya ang motibo ng mga suspek sa pamamaslang kayAquino.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page