top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Nagnakaw ng mountain bike, nasakote

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 31, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | March 31, 2023



SORSOGON—Isang lalaking nagnakaw ng isang mountain bike ang naaresto ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Polvorista, Sorsogon City sa lalawigang ito.


Ang suspek ay nakilalang si Alexander Barrios, 49, residente ng Bgy. Somal-ot, Casiguran sa nasabing lalawigan.


Ayon sa biktimang si Malvin Esurena, nasa hustong gulang, na nakita umano niya na tinangay ng suspek ang kanyang mountain bike na nasa gilid ng kalsada kaya agad siyang humingi ng saklolo sa mga awtoridad na naging dahilan upang madakip ang suspek.


Sumuko naman sa mga awtoridad ang suspek kaya narekober ang bisikleta.


Nabatid na sinampahan na ng pulisya ang suspek ng kasong qualified theft.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page