top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Nagnakaw ng krudo nasakote

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 14, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | Pebrero 14, 2023


AKLAN – Isang driver na nagnakaw umano ng kargang krudo sa isang trak ang dinakip ng mga tauhan ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Banaybanay, Malinao sa lalawigang ito.


Kinilala ang suspek na si Toribio Perucho, 33, residente ng Bgy. Pook, Kalibo sa nasabing lalawigan.


Ayon sa ulat, nakita ng may-ari ng trak na ninakaw ni Perucho ang krudo ng sasakyan sa pamamagitan ng pagsalin sa dalawang container.


Dahil dito, ini-report ng truck owner ang pagnanakaw ni Perucho kaya agad dinakip ng pulisya ang suspek.


Nabatid na inihahanda na ngayon ng pulisya ang kasong qualified theft laban sa suspek.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page