Nagmomotor, dedbol sa bus
@Balitang Probinsiya | October 30, 2023
PANGASINAN -- Isang rider ang namatay nang mabangga ng isang pampasaherong bus ang minamaneho nitong motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Palacpalac, Pozurrubio sa lalawigang ito.
Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Almark Pasalo, nasa hustong gulang at nakatira sa naturang lalawigan.
Ayon sa ulat, nawalan umano ng kontrol si Joseph Albino, nasa hustong gulang, sa pagmamaneho ng bus kaya nabangga nito ang motorsiklong gamit ni Pasalo.
Nabatid na sa lakas ng impact ay nagtamo ng malaking pinsala sa ulo at katawan ang biktima na agad nitong ikinamatay.
Nakapiit na si Albino na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide and damage to property.



Comments