top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Nagka-COVID, super-laki ng utang sa ospital…DONITA NOSE, BINIGYAN NG P.5 M NG PAMILYA NI RAFFY TULFO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 14, 2020
  • 1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | August 14, 2020




Magaling na ang stand-up comedian na si Donita Nose na nadale rin ng Covid-19. Dalawang linggo siyang na-confine sa St. Luke's Hospital at inabot ng P650 thousand ang kanyang bill.


Nagbenta na siya ng ilang gamit at tumulong-nagbigay na rin ng medical assistance ang ilan niyang kaibigan. Pero, malaki pa rin ang balanse niya sa hospital bill na dapat i-settle kaya humingi na siya ng tulong sa sikat at palabang newscaster ng TV5 na si Raffy Tulfo.


Five hundred thousand pesos ang ibinigay na tulong ng pamilya ni Tulfo. Nag-ambag din ang asawa niyang si Congresswoman Jocelyn Tulfo, ganu'n din ang kanilang anak.


Sa isang interview ay nagpasalamat si Donita Nose sa kanyang mga sponsors na tumulong sa kanyang pagpapagamot nang siya ay maging Covid positive. Ang ipinagtataka lang ng mga suking viewers ng Tutok to Win ay bakit hindi man lang binanggit ni Donita ang pangalan ni Willie Revillame?


Naging co-host si Donita sa Tutok to Win bago siya nagka-Covid-19. Imposible namang walang naibigay na tulong sa kanya ang sikat na TV host? Si Donita Nose pa ba naman ang hindi tutulungan ni Willie, eh, halos lahat ay kanyang natulungan at nabigyan ng ayuda ngayong may Covid pandemic.


Wala pa naman sigurong amnesia si Donita Nose?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page