Nag-amok na kelot arestado
@Balitang Probinsiya | March 24, 2023
PALAWAN—Isang lalaking na nag-amok ang dinakip ng mga tauhan ng pulisya kamakalawa sa Bgy. San Jose, Puerto Princesa City sa lalawigang ito.
Hindi na muna pinangalanan ang suspek habang iniimbestigahan ito ng mga awtoridad.
Ayon sa ulat, nag-report sa pulisya ang mga residente sa nasabing lugar dahil nagwawala umano ang suspek na armado ng itak.
Agad rumesponde ang mga awtoridad at dinakip ang suspek at kinumpiska ang dala nitong itak.
Nakapiit na ang suspek at nahaharap siya ngayon sa kasong illegal possession of deadly weapon at alarm and scandal.



Comments