Nag-amok, dedbol sa parak
@Balitang Probinsiya | November 10, 2023
NEGROS OCCIDENTAL -- Isang lalaking nag-amok ang napatay ng pulisya kamakalawa sa Brgy. Batuan, La Carlota City sa lalawigang ito.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Mark Encarnacion, nasa hustong gulang at residente ng nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, armado ng isang tubo ay pinagpapalo ni Encarnacion ang mga sasakyang dumaraan sa nasabing lugar kaya ini-report ito ng mga residente sa himpilan ng pulisya.
Nang dumating ang mga awtoridad ay sinikap ng mga operatiba na papayapain si Encarnacion, pero pinagpapalo ng suspek ang police patrol car at nang tangkain nito na paluin ng tubo ang isang pulis ay dito na siya binaril.
Nang duguang bumagsak si Encarnacion ay agad itong dinala ng mga awtoridad sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.



Comments