top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Nag-amok, dedbol sa parak

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 4, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | November 4, 2021



BATANGAS—Isang lalaking nag-amok ang napatay nang barilin ng pulis na kanyang tinangkang tagain kamakalawa sa Bgy. Pangao, Lipa City.


Kinilala ang suspek na si Aldrich Maravilla, nasa hustong gulang at nakatira sa nabanggit na barangay.


Ayon sa ulat, bigla umanong nagwala ang suspek na armado ng itak sa nasabing lugar.


Nabatid na rumesponde ang pulisya, pero tinangkang tagain ni Maravilla ang isang pulis kaya binaril siya ng naturang awtoridad.


Dinala ng pulisya ang suspek sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page