top of page
Search
  • BULGAR

Nag-amok, dedbol sa mga parak

@Balitang Probinsiya | Ika-24 ng Pebrero, 2024


ISABELA -- Isang hindi kilalang lalaki na nag-amok ang napatay nang tangkain nitong tagain ng dala niyang itak ang mga tauhan ng pulisya kamakalawa sa Brgy. District 1, Benito Soliven sa lalawigang ito.

 

Inaalam pa ngayon ng mga otoridad pangalan ng suspek. 

 

Ayon sa ulat, habang naglalakad ay biglang nagwala ang suspek at pumasok sa isang bahay at kumuha ng itak, saka lumabas uli at nanghabol ng taga sa mga residente sa nasabing lugar.

 

Agad humingi ng tulong sa pulisya ang mga residente at nang dumating ang mga otoridad ay tinangka ng suspek na tagain ang mga operatiba.

 

Dahil dito, napilitan ang mga otoridad na pagbabarilin ang suspek na naging dahilan ng kanyang kamatayan.

 

0 comments

Recent Posts

See All

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page