Nadala na, next time sa may-edad na raw… AI AI, UMAMING MALING DESISYON NA NAGPAKASAL SA BATANG MISTER
- BULGAR

- Mar 31
- 2 min read
ni Lucille Galon @Special Article | Mar. 31, 2025
Photo: Ai Ai Delas Alas - BB Gandanghari YT
Naging emosyonal si Ai Ai delas Alas sa interview sa kanya ni BB Gandanghari dahil inamin niyang ang kasal niya kay Gerald Sibayan ay isang maling desisyon.
Binasag ng veteran comedienne ang katahimikan tungkol sa kanilang relasyon, at sinabi niyang gusto niyang patunayan na hindi hadlang ang age—pero sa huli, napatunayan niyang may epekto pala ito sa kanyang sitwasyon.
Nang tanungin ni BB Gandanghari kung tingin niya ba’y maling desisyon ang kanilang naging relasyon, sumagot si Ai Ai ng “Wrong decision talaga from the very beginning.”
Paliwanag niya, “Kumbaga, una, pinanindigan ko na lang. Parang gusto kong ipakita sa buong mundo na age doesn’t matter—pero it matters.”
Inamin din ni Ai Ai na mas gusto na niya ngayon ang mga lalaking mas matanda o kasing-edad niya. Pero iginiit niyang ang self-love na ang priority niya ngayon.
“Hindi ako tanga (sa pag-ibig). Nagkataon lang na napupunta ako sa hindi tamang tao para sa ‘kin,” sabi niya.
Aniya pa, “Kasi kung tanga ako, hindi kami aabot (Gerald) ng 10 years.”
Aminado si Ai Ai na parang may expiration date ang kanilang kasal, at may mga ibang
dahilan daw kaya hindi ito nagtagal, tulad ng ibang agenda ni Gerald o baka may iba itong hinahanap sa kanya.
Bagama’t nasa recovery stage pa raw siya matapos ang kanilang hiwalayan, tiniyak ni Ai Ai delas Alas na magiging okey din siya sa tamang panahon.
MAY mahalagang mensahe si Janine Gutierrez na ibinahagi niya sa kanyang acceptance speech sa Cosmopolitan Philippines’ Women of Influence Awards na ginanap sa Newport World Resorts. Inihayag niya ang kahalagahan ng “small choices” at kung paano nito puwedeng baguhin ang buhay ng isang tao, na parang isang uri ng sining.
“I’m so happy to be the creative catalyst because I do believe that your life is your art. Your life is your legacy,” aniya sa kanyang speech.
Binanggit din ng aktres na ang mga simpleng desisyon sa araw-araw ay puwedeng magdulot ng malaking epekto, tulad ng pagpili ng pagkain o kung ano’ng klaseng content ang ipo-post mo sa social media.
“The simple choices you make, like what you’re going to eat today or what I’m going to post about Masumi today, where you can share knowledge with your followers and friends, these small things that you do every day do make a big impact,” pahayag niya.
Dagdag pa ni Janine, hindi kailangang manggaling sa isang tao na may “huge success story” ang kuwento o payo para makapagbigay ng positibong pagbabago sa buhay ng mga kababaihan.
Para sa kanya, ang mahalaga ay ang intention o layunin ng taong nagsasalita.










Comments