top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Naaagnas na salvage victim, natagpuan

  • BULGAR
  • Dec 9, 2022
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | December 9, 2022


SOUTH COTABATO—Isang naaagnas na bangkay ng hindi kilalang lalaki na biktima ng salvage ang natagpuan kamakalawa sa Bgy. Klinan 6, Polomolok.


Dahil naagnas na ang bangkay ay hindi matantiya ng mga awtoridad ang edad ng biktima.


Nabatid na ilang residente ang nag-report sa pulisya tungkol sa natagpuan nilang bangkay ng biktima na nakagapos ng nylon cord at packaging tape ang mga kamay at paa at may balot ng itim na t-shirt ang mukha.


May hinala ang mga awtoridad na sa ibang lugar pinatay ang biktima at itinapon lang sa nasabing barangay ang bangkay nito upang iligaw sa imbestigasyon ang pulisya.


Patuloy pa ang isinagawang imbestigasyon ng mga awtoridad para mabatid ang armas na ginamit sa pagpatay at ang motibo sa naganap na krimen.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page