top of page
Search
BULGAR

Na-food poisoned umano… 17-anyos estudyante, patay, 19 iba pa naospital — DepEd

ni Lolet Abania | November 9, 2022



Patay ang isang 17-anyos na estudyante habang 19 iba pa ang isinugod sa ospital matapos umanong ma-food poisoned sa isang paaralan sa Ajuy, Iloilo.


Batay sa report, ang nasawing 17-anyos na dalagita at lahat ng mga biktima ay nakainom umano ng buko juice sa ginanap na acquaintance party sa Pili National High School (PNHS) sa nabanggit na lugar.


Ayon sa lokal na gobyerno ng Iloilo, agad na isinugod ang mga biktimang Grade 11 students, guro at staff ng PNHS sa iba’t ibang ospital nang makaranas ng pagsusuka, pananakit ng tiyan at pagdudumi ang mga ito.


Sinabi naman ng head teacher ng paaralan, inaalam na nila ang naging sanhi ng pagkakasakit ng kanilang mga estudyante, titser at staff.


Samantala, nag-imbestiga na ang Department of Education (DepEd) Region 6 hinggil sa insidente ng food poisoning sa PNHS sa Ajuy, Iloilo, kung saan nagresulta sa pagkamatay ng isang estudyante at pagkakaospital ng 15 iba pang estudyante at apat na DepEd personnel.


Sa isang statement ng DepEd Region 6 ngayong Miyerkules, sinabi nitong ang mga estudyante at kanilang adviser ay nag-lunch sa kanilang klasrum na anang ahensiya, “where students brought a variety of food.”


“On Saturday, November 5, 2022, some learners experienced stomachache and vomiting. They were immediately rushed to Barotac Viejo District Hospital where they were hydrated and started on IV antibiotics,” batay sa statement ng DepEd Region 6.


“Upon investigation, the deceased learner was first brought to Sara District Hospital and was advised to be admitted but refused to do so and went home. A few hours later, the learner’s condition got worse, and was rushed to Barotac Viejo District Hospital but was declared dead on arrival,” dagdag ng ahensiya.


Ayon pa sa DepEd Region 6, nakikipag-ugnayan na sila sa nasabing paaralan at sa Rural Health Unit ng Ajuy para tugunan ang mga pangangailangan ng mga apektado mag-aaral at personnel.


“The Local Government Unit of Ajuy pledged to shoulder the hospital bill of the victims and extend financial assistance to the family of the deceased learner. Pili National High School personnel and nearby public schools of Ajuy, Iloilo also initiated financial assistance to the victims,” pahayag pa ng DepEd Region 6.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page