Motorsiklo vs tricycle, 1 patay
@Balitang Probinsiya | November 13, 2021
AKLAN—Patay ang 31-anyos na rider nang aksidenteng mabangga ng tricycle ang minamaneho nitong motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Santander, Buruanga.
Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Hanzo Reol, samantalang kusa namang sumuko sa mga awtoridad ang driver ng tricycle na si Jufer Panganiban, kapwa nakatira sa nasabing lalawigan.
Ayon sa ulat, mabilis umano ang takbo ng tricycle na minamaneho ni Panganiban kaya aksidenteng nabangga ang motorsiklong kinalululanan ng biktima.
Dahil sa tinamong mga sugat sa ulo at katawan ay agad namatay sa pinangyarihan ng aksidente ang biktima.
Nahaharap si Panganiban sa kasong reckless imprudence resulting to homicide and damage to property.



Comments