Motorsiklo sumemplang, rider sugatan
@Balitang Probinsiya | November 19, 2021
AKLAN—Sugatan ang rider nang aksidenteng sumemplang ang minamaneho niyang motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Tambak, New Washington.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Randy Tupas, 42-anyos, nakatira sa Bgy. Jugas sa nasabing bayan.
Ayon sa ulat, nawalan umano ng kontrol ang biktima sa pagmamaneho ng motorisklo kaya sumemplang ito sa sementadong kalsasa sa nabanggit na barangay.
Nabatid na nagkaroon ng malaking pinsala sa ulo at iba’t ibang parte ng katawan ang biktima.
Kaagad dinala ng mga saksi ang mga biktima sa ospital at kasalukuyan pa itong inoobserbahan sa pagamutan.



Comments