top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Motorsiklo sumalpok sa van, rider todas

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 16, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | February 16, 2021



AKLAN—Isang rider ang namatay nang aksidenteng bumangga ang minamaneho niyang motorsiklo sa van kamakalawa Bgy. Tabangka, Numancia.


Nakilala ang biktima na si Dionel Todo, residente ng Bgy. Pudiot, Tangalan sa nasabing lalawigan.


Ayon sa ulat, nawalan umano ng kontrol si Todo sa pagmamaneho ng motorsiklo kaya bumangga sa kasalubong na van na minamaneho ni Noli Valencia, residente ng Bgy. Tabayon, Banga sa nabanggit na lalawigan.


Nabatid na sa lakas ng pagkakabangga sa van ay nagtamo ng mga malalaking pinsala sa ulo at katawan ang biktima.


Kaagad dinala ng mga saksi ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page