Motorsiklo nahulog sa irigasyon, 1 tepok
- BULGAR
- Feb 21, 2021
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | February 21, 2021
ISABELA—Isang backrider ang namatay at sugatan naman ang rider nang mahulog sa irrigation canal ang kinalululanan nilang motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Cabulay, Santiago City.
Kinilala ang nasawi na si Christian Agonoy, samantalang ang sugatan ay si John Paul Florentino, kapwa residente ng nasabing lungsod.
Ayon sa ulat, nawalan ng kontrol si Florentino sa pagmamaneho ng motorsiklo habang kaangas si Agonoy kaya nahulog sa irrigation canal ang naturang sasakyan.
Nabatid na nagtamo ng malalaking sugat sa ulo at katawan ang dalawang biktima.
Kaagad dinala ng mga saksi ang dalawang biktima sa ospital, pero idineklarang dead-on-arrival si Agonoy.



Comments