top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Motorsiklo nabangga ng van, 1 patay

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 24, 2023
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | August 24, 2023


NEGROS OCCIDENTAL -- Isang rider ang namatay nang mabangga ng isang van ang kinalululanan niyang motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Punta Mesa, Manapla sa lalawigang ito.


Ang nasawi ay kinilala ng pulisya na si Christopher Montebano, nasa hustong gulang at residente ng Victorias City sa nasabing lalawigan.


Ayon sa ulat, nawalan umano ng kontrol ang driver na nagmamaneho ng van kaya nabangga nito ang motorsiklong kinalululanan ng biktima.


Nabatid na sa lakas ng pagkakabangga ay nagtamo ng malaking pinsala sa ulo at katawan ang mga biktima na agad nitong ikinamatay.


Hindi na pinangalanan ng pulisya ang driver ng van dahil nakipagkasundo na ito sa pamilya ni Montebano na sasagutin niya ang gastos at danyos sa pagkamatay ng biktima.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page