@Balitang Probinsiya | November 18, 2023
AKLAN -- Isang motorsiklo ang ninakaw ng mga karnaper kamakalawa sa Brgy. Poblacion, Kalibo sa lalawigang ito.
Ang biktimang nagmamay-ari ng motorsiklo ay kinilala ng pulisya na si Davien Marcelino, 29 at residente ng nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, ipinarada ni Marcelino sa labas ng kanilang bahay ang kanyang motorsiklo, at nang balikan niya ito para gamitin ay wala na ang nasabing sasakyan.
Dahil dito, agad ini-report ng biktima sa himpilan ng pulisya ang pagkarnap sa kanyang motorsiklo.
Nagsagawa na ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang mga karnaper.
Comments