Motorsiklo bumangga sa trak, rider tepok
@Balitang Probinsiya | Oct 25, 2021
ANTIQUE--Patay ang 19-anyos na rider nang aksidenteng mabangga ng trak ang minamaneho nitong motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Funda-Dalipe, San Jose.
Ang biktima ay nakilalang si Bryan Ledesma, residente ng nasabing lalawigan.
Ayon sa ulat, mabilis umano ang takbo ng trak na minamaneho ni Fedoli Arima aya aksidenteng nabangga nito ang motorsiklong kinalululanan ni Ledesma.
Napag-alamang sa lakas ng pagkakabangga ay nagtamo ng malaking pinsala sa ulo at katawan ang biktima na agad nitong ikinamatay sa pinangyarihan ng aksidente.
Sinampahan na ng pulisya si Arima ng kasong reckless imprudence resulting to homicide and damage to property.



Comments