Most wanted, todas sa shootout
@Balitang Probinsiya | ngayong Abril 1, 2024
CAGAYAN DE ORO CITY – Isang most wanted criminal ang napatay nang manlaban sa pulisya, kamakalawa sa Brgy. Nazareth sa lungsod na ito.
Ang suspek na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay kinilalang si Marlon Jumawan, nasa hustong gulang at nakatira sa nabanggit na lungsod.
Napag-alaman na dadakpin sana ng pulisya ang suspek kaugnay sa kaso nitong murder, pero biglang nanlaban at pinagbabaril nito ang mga otoridad.
Dahil dito, gumanti ng putok ang pulisya na naging dahilan kaya napatay ang suspek.
Nakakumpiska ang mga otoridad ng isang baril at mga bala sa pinangyarihan ng insidente.



Comments