Most wanted, timbog sa hideout
- BULGAR
- Apr 3, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | April 3, 2023
BATANGAS—Isang most wanted na rapist ang naaresto mga tauhan ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Balete, Batangas City sa lalawigang ito.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Arnold Torres, 43, pansamantalagang nakatira sa nabanggit na barangay.
Napag-alaman na dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong rape sa lalawigan.
Nabatid na may nagbigay impormasyon sa pinagtataguan ng rapist kaya agad rumesponde ang pulisya at dinakip ang suspek sa nasabing lugar.
Kusang sumama naman sa mga awtoridad ang suspek at ngayon ay nakapiit.



Comments