Most wanted, timbog sa hideout
- BULGAR

- Dec 7, 2020
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | December 7, 2020
MASBATE—Isang most wanted na killer ang naaresto ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Poblacion, Pio V. Corpuz.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Jasuero Tunacao, pansamantalang nakatira sa nabanggit na barangay.
Nabatid na inaresto ng pulisya si Tunacao sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong murder sa lalawigan.
Ayon sa ulat, may nagbigay-impormasyon sa pulisya sa pinagtataguan ni Tunacao kaya agad rumesponde ang mga awtoridad at inaresto ang suspek.
Kusa namang sumama sa mga awtoridad at hindi na nanlaban ang suspek nang dakpin siya sa naturang lugar.



Comments