Most wanted, tiklo sa hideout
- BULGAR
- Aug 14, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | August 14, 2023
SORSOGON -- Isang most wanted ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Pinontingan, Gubat sa lalawigang ito.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Charlie Lelis, nasa hustong gulang at pansamantalang nakatira sa naturang barangay.
Ayon sa ulat, dinakip ng mga tauhan ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong paglabag sa Anti-Terrorism Act of 2002.
Napag-alaman na may nagbigay impormasyon sa pulisya sa pinagtataguan ni Lelis kaya agad itong sinalakay ng mga awtoridad at dinakip ang suspek.
Hindi naman nanlaban ang suspek nang arestuhin ng mga awtoridad at sa ngayon ay nakapiit na sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments