top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Most wanted, tiklo sa hideout

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 24, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | June 24, 2023



AKLAN -- Isang most wanted criminal ang nadakip ng mga tauhan ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Manhanip, Malinao sa lalawigang ito.


Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Giovanni Isuga, 42 at pansamantalang nakatira sa naturang barangay.


Ayon sa ulat, naaresto ng mga tauhan ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong frustrated murder.


Napag-alaman na may nagbigay impormasyon sa pulisya sa pinagtataguan ni Isuga na agad na sinalakay ng mga operatiba at nadakip ang suspek.


Hindi naman nanlaban ang suspek sa mga awtoridad at sa ngayon ay nakapiit na siya sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page